Sunday, November 12, 2017

12th November 2017

Dear Self,

4 days na lang, darating na siya, or so he said.  Ilang away, iyak, pagpapasalamat at pagkukumbinse din ang nangyari bago nya sinabing, oo, pupunta ako.  Pero ilang pangako din ang hindi natupad.  Dahil, hindi daw kaya, kahit na alam nya kung gaano kaimportante sa yo ang mga araw na yun.

Madaming beses sa isang araw ka nagtatanong kung bakit.  Yung pinakamalalapit na kaibigan at kapamilya mo napagod na rin magbigay ng payo kasi ang tigas tigas tigas ng ulo mo.  Kaya sinasarili mo na lang ang lungkot at awa sa sarili mo sa mga panahong ganito - yung pinangako nya ang libreng araw para sa yo at nabigyan mo na sya ng halos 10 oras para magpahinga.  Lampas alas-9 na, at alam nyang may pasok ka pa bukas, pero hanggang ngayon wala pa din.  Iyak na lang.  Sa loob.  Bawal makita ng iba kasi di hamak na galit na naman ang aabutin mo.  Ayaw mo magmukhang tanga sa harap nila kahit na alam mo, bilang matalinong babae, na ang tanga mo na.  You deserve better.  Pero eto, isang message lang sa viber na "hi", tiklop ka na.  Mahal mo eh.  Dahil lubos din ang saya mo pag napaglalaanan ka nya ng oras.

Dasal ka ng dasal kanina sa simbahan, na sana ituro ka ng Diyos sa tamang daan.  Hirap na.  Gusto mo na din sumuko.  Kinasal si Anne at Erwan kanina, at sa loob loob mo, sana maramdaman ko yung ganung klaseng pagmamahal mula kay J5.  Yung di mo kelangan ipilit, hingin, ipagpalimos.

Pagod na ang puso, ayaw sumuko pero pagod na pagod na.

No comments:

Post a Comment

12th November 2017

Dear Self, 4 days na lang, darating na siya, or so he said.  Ilang away, iyak, pagpapasalamat at pagkukumbinse din ang nangyari bago nya s...